Tala
Tuwing sa langit tumitingala Hinahanap makinang na tala Hindi makita, tila nawala Kasama ko na dito sa lupa Tinig mo'y liwanag sa araw Ngiti'y kinang sa dilim ng gabi Sa lambing mo't gandang umaapaw Ikot ng mundo ko'y tumitindi Binibini, laging tatandaan Dahil sa yo, ngayon ay masaya Ikaw ang tanglaw sa kadiliman Salamat sa kislap na yong dala Aking bituing walang kapantay, Sa buhay ko'y wag sanang mawalay. Infinite Fate Sonnet X 11-23-07 12:38 am