Katatapos ko lang mag-aral sa Persons (woohoo, nag-aaral kuno dito.. hahaha) at dahil lumalabnaw na naman tong utak ko sa kababasa, dito ko na muna ibubuhos ang mga walang kakwenta-kwentang bagay na kanina ko pa naiisip nung nagpapanggap pa ako sa pagbabasa...



1. Sa mga nagrereklamo na puros mukha ko ang nakikita sa "Friend's Blogs" dahil sa dalas ng posts ko, inggit lang kayo, gumawa rin kayo ng Blog nyo para kita din mukha nyo.. hahahaha.



2. Sorry sorry sorry kay Nessie. Lam mo na kung bakit. =D Peace na tayo.



3. Hindi ko alam kung sinusundan ba talaga ako ng malas, hanggang College of Law, mag-aaral na lang, dami pang side-orders na problema. Ang labo kasi ng utak ng mga tao minsan.



4. Nananawagan ako sa kung sino man gusto bumili ng Pentium 4 computer, kontakin nyo ako, mura lang promise. hehehe



5. Start na ng Season 6 ng Smallville sa US last Thursday (Friday dito sa Pinas). Medyo bitin ako sa panonood, parang may kulang yung season premiere episode nila.



6. Ganda na ng nangyayari sa Naruto Manga. Galing talaga ni Shikamaru.



7. Nag Google Earth ako kanina, may bagong update daw. Hindi pa rin kita ang kalahati ng Malolos... Tsk tsk tsk... Gusto ko pa naman sana makita yung Malolos Cathedral/Basilica.



8. Patay na naman ako sa pag gising mamaya, sorry sa mga tumatawag sa kin ng umaga, puros hilik ko lang maririnig nyo sa kin.



9. Wala na naman akong pera. Pambihirang mga photocopy yun, P500 kagad damage sa kin, bagsak naman sa mga subjects.. haaaayyyy.. Pautang naman o.. Sige na.. Please... please....



10. Dumating na pala si Drewy galing Tate, nagkita kami sa shop kanina. Muntik na namin tanggalin sa partnership, buti na lang may pasalubong na shirt. Oi Drew, pag balik mo US, sama mo ko, puntahan natin yung hinuhulugan ng 25cents coin. Bwahahaha



11. Wala na akong maisip, tulog na 3/4 ng utak ko... yung 1/4 sigaw ng sigaw na matulog na daw ako. kaya pagbibigyan ko na, kawawa naman e, baka magtampo. Ilang bytes kaya ang nasayang ko sa server ng Friendster sa walang kakwenta kwentang blog na to? Gusto ko na talaga matulog kaya lang hindi ko alam kung pano tatapusin to kaya type pa rin ako ng tyzzzzzzzzz.... zzzzzzzzzzzzzzzzz...... zzzzzzzz..... zzzzzzzzzz... zzzzzzz...... zzzzzzzzz.... zzzzzzzz.....