Marahan akong humigop sa aking tasa sabay palihim na sumulyap sa iyong kinauupuan. Habang masaya kang nakikipagkuwentuhan sa iyong mga kasama, masinsin ko namang pinagmasdan ang yong mga ngiti. Nang minsang lumagi ang yong paningin sa kinalalagyan ko, masining ko namang iniwas ang pagkakatitig ko sa yo. Ang tangi kong pangarap ay maging bahagi ka ng aking buhay... Nakakatawa, dahil alam kong ito'y mananatiling pangarap na lamang. Kung ano ang init ng iniinom kong kape, siya namang lamig ng nararamdaman ko ngayon.



April 22, 2007
10:59pm
(Concept taken from Ana's Blog "A Warm Cup")