Posts

Showing posts from September, 2007

Tulong naman...

Happiness is a choice.
Kahit ano man ang trabaho mo, kahit sino pa ang kasama mo, kung gugustuhin mong sumaya, sasaya ka. Pero may mga pagkakataon na kahit anong pilit mo sa sarili mo, para bang pinagkaisahan ka ng buong mundo sa pagbibigay ng mga bagay na makakapagpalungkot sa yo.
Masarap gawin ang isang bagay kung meron kang pinag-aalayan ng iyong tagumpay, o kaya naman ay alam mong may karamay ka kung ika'y mabigo. Sapat bang magtagumpay mag-isa? Sasaya ka nga ba kung ikaw ang magiging pinakamagaling, ikaw ang nasa itaas, pero wala ka namang kasama?
Ano nga ba ang dahilan kung bakit ka nagtatrabaho? Gusto mo bang yumaman? Gusto mo bang sumikat? O wala ka lang talagang magawa? Paano kung ang presyo ng ginagawa mo ngayon o pinaplano mong gawin ay ang unti-unti mong paglayo sa mga mahal mo sa buhay? Tutuloy ka pa rin ba?
Bakit nga ba hindi na tayo masiyahan sa kung ano ang meron tayo? Bakit patuloy tayong naghahanap ng magpapasaya pa lalo sa atin? Ganito ba talaga ang pagkakagawa sa a…

Halaga

Bakit nga ba lagi nating sinasaktan ang taong nagmamahal sa atin? At bakit nga ba pumapayag tayong masaktan ng taong mahal natin ngunit hindi naman tayo mahal? Bakit kailangang may maghirap at magdusa para makamtan ang kakarampot na saya? Paano nga ba natin maipapadama ang tunay na halaga ng isang tao?

Fully Recovered

Tapos na... Balik na ulit sa boring na buhay... =)