(1)
Sabi nila ay kalimutan na kita
Pano nga ba kung ikaw ang laging hinahanap?
Sa bawat araw, sa pag gising sa umaga
Ang makasama ka ang tanging pinapangarap



Wala nang iba pang hahanapin pa
Kung pag-ibig mo ay nasa akin na
Ikaw ang buhay ko, ang nais makasama
Ngayon, bukas, kahit ikamatay ko pa.



(Chorus)
Mahal kita kahit magmukhang tanga
Mahal kita kahit na masaktan pa
Sa munting awit na to, sana'y mapadama
Ako'y sa 'yo, wala nang iba pa.



(2)
Mahalkoh, sumama ka sa akin
Pangako kong ika'y tunay na mamahalin
Wala ka nang dapat pang isipin
Binibini, ako'y iyong alipin



Munting paru-paro, sana'y gumising na
Buksan ang mga pakpak, imulat mga mata
Limutin at iwanan na ang nakalipas
Magkasama nating harapin ang bukas
(Chorus)

Miss ko na ang inuman ng barkada... Next friday, inuman kami, yahoo!