Tuwing sa langit tumitingala
Hinahanap makinang na tala
Hindi makita, tila nawala
Kasama ko na dito sa lupa

Tinig mo'y liwanag sa araw
Ngiti'y kinang sa dilim ng gabi
Sa lambing mo't gandang umaapaw
Ikot ng mundo ko'y tumitindi

Binibini, laging tatandaan
Dahil sa yo, ngayon ay masaya
Ikaw ang tanglaw sa kadiliman
Salamat sa kislap na yong dala

Aking bituing walang kapantay,
Sa buhay ko'y wag sanang mawalay.

Infinite Fate
Sonnet X
11-23-07 12:38 am

Kung ikaw ang takbuhan ng mga kaibigan mo kapag may problema sila, sino naman ang takbuhan mo kapag ikaw naman ang may problema? Kung ikaw ang nagpapasaya sa kanila kapag sila ay malungkot, sino naman ang nagpapasaya sa yo kapag malungkot ka?

Nung una kitang makilala di man lang kita napuna,
Di ka naman kasi ganoon kaganda, di ba?
Simpleng kabatak, simpleng kabarkada lamang ang tingin ko sa 'yo.
Di ko talaga alam kung bakit ako nagkakaganito.
Ako'y napaisip at biglang napatingin, di ko malaman kung anong dapat gawin.



Dahan-dahang nag-iba ang pagtingin ko sa 'yo,
Gumanda ka bigla at ang mga kilos mo'y nakakapanibago.
Napansin ko na lamang na nalalaglag ang aking puso.
Badtrip talaga, na-i-in lab ako sa 'yo.
Tuwing kita'y nakikita ako ay napapangiti, para bang gusto kong halikan ang iyong mga pisngi.



CHORUS
Minamahal kita! ba't di ka maniwala?!
Anong kailangan kong gawin upang seryosohin mo
Ang aking sinasabi tungkol sa pag-ibig ko sa 'yo?
Maniwala ka sana, minamahal kita!



Nasira na yata ang ulo ko, kaiisip ko sa 'yo
Kahit saan tumingin ay mukha mo ang nakikita ko.
Pero bakit para kang naiilang, ako ay iyong iniiwasan?
Ako'y nahihirapan, wala namang ganyanan!
Pakiramdam ko ngayon ako ay nagmumukhang gago.
Ngayon ako'y nagsisisi kung bakit ako nag "i love you".
Kasi di na tayo tulad ng dati
Ngayon sa akin ay diring-dire!
(CHORUS)