Tuwing sa langit tumitingala
Hinahanap makinang na tala
Hindi makita, tila nawala
Kasama ko na dito sa lupa

Tinig mo'y liwanag sa araw
Ngiti'y kinang sa dilim ng gabi
Sa lambing mo't gandang umaapaw
Ikot ng mundo ko'y tumitindi

Binibini, laging tatandaan
Dahil sa yo, ngayon ay masaya
Ikaw ang tanglaw sa kadiliman
Salamat sa kislap na yong dala

Aking bituing walang kapantay,
Sa buhay ko'y wag sanang mawalay.

Infinite Fate
Sonnet X
11-23-07 12:38 am