Posts

Showing posts from July, 2009

Switch Audit

Sa wakas... Nakarating din sa hotel... Miss, may reservation ako. Ah ok, room 103... San pala yun? Excited na ko sa kwarto ko! Hmmm... Miss, mali yata yung nabigay nyong kwarto. Mukhang isang buwan nang gamit yung comforter na nasa kama. Ah ganun ba? Style pala yun para magmukhang "luma" yung ambience... Hanep! Ang galeng, pati amoy kuhang-kuha! Buti na lang class tong napasukan kong hotel! Hmmm... makalabas na nga muna ng kwarto para makahanap ng kakainan. *bukas ng pinto* Uy, si manong palabas din ng kwarto nya. Mukhang bagong bihis, inaayos pa yung pantalon habang lumalabas e. Bakit kaya parang pagod sya? Bahala na nga sya, basta ako gutom na... *labas ng hotel* Hmmm... San kaya ako makakakain ng mura pero masarap? Aba, mukhang ok dun sa eskenitang yun a... Palagay ko mura lang mga kainan dun... Teka, bakit ang daming ilaw dito, hindi naman Pasko... At bakit ang daming foreigner, wala namang magandang tanawin dit---aaaaaayuuuuun naman pala e... Meron pala... At mukhang may