Posts

Showing posts from January, 2008

Salamisim

Napapansin mo na kaya? Nadarama ang pagsinta? Nawawari ang paghanga? Napupuna ang pagtulala? Ikaw ang aking salamisim Ang liwanag sa gitna ng dilim Pakinggan ang pusong naninimdim Binubulong ang aking lihim Sa paglipas ng panahon, Ang paghanga'y bumabalon Unti-unting nababaon Pilit na bumabangon Dahan-dahan, unti-unti Nahuhulog sa iyong mga ngiti Minamasdan taglay mong yumi Ako'y tuluyan mong nabighani Sapat na ba na may pagtingin Upang ako ay iyong mahalin? Kailan mo kaya diringgin Sigaw nitong damdamin? Infinite Fate 02-10-08 10:47pm

Heto Na

Heto Na by Concrete Sam (original by APO) O heto na naman ang pusong ito Handang-handa muling umibig Diba't kelan lamang ika'y nagpasiya Na di ka pabibihag muli Kakapahid pa lang ng luha Ba't siya ay nalimutan mo na Akala ko'y hindi na magigising Muli ito'ng aking damdamin Ngunit mula nang makilala kita Ang buhay ko'y biglang sumigla Kalungkutan ko ay nawala [Refrain] O heto na naman ang puso kong nagpapadala Hindi na natutong magingat dahil bahala na O kay bilis kong malimutan muli Ang sawi na aking nadama [Chorus] Heto na, o heto na naman ang pusong ito Heto na, handang-handa muling umibig sa 'yo Heto na, o heto na naman ang pusong ito Heto na Akala ko'y hindi na magigising Muli ito'ng aking damdamin Ngunit mula nang makilala kita Ang buhay ko'y biglang sumigla Kalungkutan ko ay nawala (Repeat Refrain) (Repeat Chorus 2x) O kay bilis kong malimutan muli Ang sawi na aking nadama (Repeat Chorus 2x)