1.
Hindi mo ba napapansin...
Sa yo ako'y may pagtingin?
Hindi mo kaya nadarama...
Sulyap sa yo nitong mga mata?



2.
Inaabangan ang yong mga gawi
Nasasabik sa yong mga ngiti
Umaasang minsan ay dumampi
Makinis mong pisngi dito sa 'king labi



3.
Tanggapin mo kaya, magandang binibini
Pagtingin kong sa yo lamang lagi?
Pansinin mo naman, damdamin kong sawi
Binihag ng yong ganda at yumi



4.
Sana'y sa pag gising sa umaga,
Mukha mo ang una kong makita.
Sa pagdilat ng inaantok na mata,
Init ng yakap mo ang aking madama.



5.
Bakit hindi kayang sabihin,
Nilalaman nitong damdamin?
Bakit hindi kayang iparating,
Ikaw ang tangi kong hiling?



6.
Kung sa pagtulog lang kita mahahagkan,
Kung sa panaginip lang kita mahahalikan,
Kung sa pangarap, tayo ay magkapiling
Mas nanaisin pang wag na sanang magising



Jan 4, 2007; 5:06am [3 & 4]
Jan 5, 2007; 3:23am [1 & 2]
Jan 9, 2007; 3:10am [5 & 6]