Hindi ko alam kung mabilis ba o mabagal ang panahon. Sa isang banda, parang ang bilis ng panahon dahil akalain mo yun, 1.5 years ka nang nagtatyaga sa kin! :) Pero sa kabilang banda, sa dinami-rami ng mga pinagdaanan natin - mga masasaya at malulungkot na pangyayari, nakakabiglang isipin na nangyari lahat yun sa loob lamang ng 1.5 years!


Salamat sa pagtanggap sa akin ng buong-buo, kasama lahat ng pagkukulang at hindi magagandang kaugalian. 


Salamat sa kulitan, asarahan, at iba pang masasayang samahan.


Higit sa lahat, maraming salamat sa pagmamahal at pagiging aking kapareha sa ating pagtanda. Mahal na mahal kita! :)