Tanong

"Merry Christmas po."

Isang simpleng pangungusap, binitawan ng isang batang babaeng may mabilog na mata at malambing na tinig habang itinataas sa amin ang isang munting kahon ng kanyang mga napaglimusan. Matagal ko na sanang gustong isulat ito, ngunit hindi ko alam kung paano mailalagay sa titik at kataga ang kakaibang pakiramdam namin ng mahal kong kaibigan nang aming narinig ang kanyang sinambit. Habang pababa ng hagdanan sa North Avenue Station ng MRT, dahan-dahang nagtama ang mata ko at ng aking kasama, sabay usap kung gaano naantig ng batang babae ang aming mga puso. Nung una ay sinabihan ko syang magpatuloy na kami sa aming patutunguhan, na kahit na nakakaawa ay nakalagpas na kami. Isang tanong mula sa kaibigan ko ang tumatak sa aking isip: "Bakit hindi natin balikan?"

Hindi nga naglaon ay muli kaming umakyat at tumuloy sa tindahan ng hotdog. Doon ay bumili kami ng isang hotdog na may tinapay at ilang inumin. Pagkatapos ay inabot namin ang mga ito sa batang babae. Hindi ko na maalala kung may sinabi ba sya sa amin o wala, ngunit hindi ko makakalimutan ang tingin ng kanyang mga mata sa amin.

Sa muli naming pagbaba, biglang tumulo ang luha ng aking kasama. Isang tanong muli galing sa kanya ang tumatak sa aking isip: "Bakit kasi kailangan nyang mamalimos?" Wala akong naisagot.

Comments

Jen said…
i got teary eyed again as i read this. Naalala ko nanaman yung feeling nung gabing yun. I've said it and i will say it again. Ang mga batang ganun, hindi dapat namamalimos.
Jen said…
nabasa ko nanaman ito at naiyak nanaman ako! ano ba yan!

Popular posts from this blog

Thirty One Years Ago

My Final Fantasy III