Ngayong gabi, sa kalangitang balot ng makapal na ulap,
Saan napupunta ang liwanag ng buwan?
Ngayong gabi, sino ang nakayakap sa yo?
O ika'y mag-isa, umiiyak sa kadiliman?

Ngayong gabi, kung ang buwan ay nakatago pa rin,
Tayo'y maghintay at maghintay hanggang mahawi ang mga ulap.
Ngayong gabi, sa pagtingala mo sa kalangitan,
Nakikita mo na ba ang buwan?