Masakit ang ulo ko ngayon. Kanina naman e masakit yung tyan ko. Bakit hindi pa ako natutulog? Hindi ko rin alam. Wala na naman akong magawa kaya magdadagdag na naman ako ng kalat dito sa Internet. Ang hirap talaga pag wala kang magawa. Kung anu-ano ang pumapasok sa isip mo. Tulad ngayon. Sa sobrang dami ng iniisip ko, hindi ko tuloy alam kung ano ang isusulat. E kung wala na lang kaya? Pwede siguro. Ano? Nagbabasa ka pa rin? Hindi mo pa rin ba nahahalata na sinasayang ko lang ang oras mo? Wala ka rin sigurong magawa ano?