Posts

Showing posts from February, 2011

Ako si Masked Rider Black

Image
Nung bata pa ako, pangarap ko nang maging bayani. Yung tipong nagliligtas ng isang binibining nasa mapanganib na kalagayan. Tapos maiinlab yung babae sa kin, magde-date kami, tapos magkakatuluyan. Iba't ibang eksena ng pagliligtas ang naiisip ko. Nandyan yung tatawid kunwari yung babae, tapos may dadaang isang mabilis na sasakyan, walang preno. Itutulak ko yung babae, tapos gugulong kami sa kalsada na magkayakap. Depende sa mood ko, nag-iiba-iba rin yung detalye nung eksenang ito. Pwedeng itutulak or kakabigin ko lang yung babae, tapos tatalon ako ng mataas at magta-tumbling sa may bubong ng sasakyan. Maporma akong maglalanding sa may likod, tapos kukuha ako ng bato at ihahagis sa sasakyan. Dahil ako ang bida sa kwento, papasok sa loob ng sasakyan yung bato at tatamaan sa ulo yung walanghiyang driver. Ang pogi ko naman sa paningin nung babae. Minsan naman kunwari naglalakad ako papuntang school, tapos nasa may gate yung crush ko. Yung crush ko e anak kunwari ng maimpluwensang t