Sa karimlan ng langit, ang dilim ng gabi
Patak ng luha'y nahulog sa batis
Tadhanang nakaraan, dakilang naapi
Sa daigdig ng dilim, bumalik-umalis.

Digma ng dugo at sigwa ng laman
Silahis ng araw, sumilang sa silangan
Araw na gulang ay nilukob ng karimlan
Ilaw at dilim, nang mag-abot ay naglaban.

Kapangyarihang taglay na likas sa araw,
Pinalakas ng damdaming puno ng alab.
Nasapawan ang biyayang handog ni Adlao,
Ginhawa sa loob ay apoy na nagliyab.

-Sinag... Liwanag, Laya!-
Infinite Fate


Maligayang pagdating, kaibigan. Bakit? Maaari mo bang sabihin sa akin kung bakit ka naparito? Isang bulong mula sa iyong puso o isang maling pindot ng mouse? O hindi kaya ito ang itinakda ng tadhana? Isang payak na biro ng kapalaran? Ano pa man ang dahilan, maligayang pagdating.

Maaring ikaw ay nagtataka... maaring ikaw ay nayayamot... maaaring tinatanong mo sa iyong sarili, "bakit ba ako nag-aaksaya ng panahon dito?" Bakit nga ba? Ikaw ba'y pinilit o kusang loob na nagpunta? Ang tanong: may choice ka ba? Aminin mo man o hindi, naririto ka dahil sa akin, at habang naririto ka, akin ka.

Kung kaya't huwag ka nang mag-isip... huwag ka nang umangal... wala ka rin namang magagawa. Ang mabuti pa ay umupo ka na lamang, pagalawin ang mouse, pindutin ang mga navigation links, magbasa, mangamba, at magdasal.

Name: Raymond M. Santos

Nickname: Mon, Mon-Mon
Chatnicks: Infinite Fate, Cybermamon, SeovuolL, Orange Juice, God Gundam
Birthdate: 20th of June
Zodiac: Gemini
School: San Beda College
Work: Internal Auditor

Favorites
Color: blue and black
Food: pizza
Songs: 25 Minutes, Only You and Me, Don't Fade Away, Superman, Huling El Bimbo, Eyes On Me, It's All Coming Back
Movies: Braveheart, Dangerous Minds, A Beautiful Mind, Lost In Space
TV Programs: Smallville, Justice League, Angel
Anime: Samurai X, Gundam Wing/Endless Waltz, Naruto
Computer Games: Final Fantasy 8 and 7, Heroes of Might and Magic, Chrono Trigger and Cross, Starcraft and Broodwars
Books: Mythology (Edith Hamilton), Harry Potter Series (JK Rowling), Lord of the Rings Series, Hardy Boys Casefiles (Franklin W. Dixon), Siddhartha (Hermann Hesse)

Quotation: "there is no right or wrong, only people who fight for what they believe in."