Some time, somewhere in my past, I dreamt of something. I wished for something. It came true.

Whether I will be happy or not, I still can't tell. For me, only History can tell if I did the right things or not. But the more important thing here is that I learned a lot. I proved to myself that there are certain lessons in life that one cannot learn except through experience.

The first two stages of love: (1) Falling in love, and (2) Falling out of love.

The first stage is nothing more than what others call "attraction" and still others, "infatuation". This is the time when we feel that we found the best and the perfect guy/girl for us. Here comes that sleepless nights, daydreaming, and butterflies in the stomach. This is also the time when we are almost completely irrational, doing things in the name of love.

And then, eventually... slowly... we fall out of love. After we know the person better, it is inevitable that we find things about him/her which do not really suit our image of our "ideal partner". Or maybe, we simply get too exhausted by the thrill of the first stage.

Finally, we come to the third stage: Deciding to love.

This is the most important and most crucial stage. For if we decide to love a person, both our mind and heart agree that he or she is the one for us. That with all his/her imperfections and short-comings, you still believe that you are meant for each other. This, I believe, is what love really means.

I learned. I learned to love. I loved.

I remember many people telling me before not to engage in a relationship just yet. They told me that it will only interfere with my studies and my ambition of becoming a CPA (post note: I'm already a CPA!). Many peers advised me that love is equal to sleepless nights, skipped lunches, and sacrificed time. Back then, I wanted to prove them wrong. I desired to show them that I can do better, that I can do the impossible: to conquer love.

I failed. Miserably. Terribly.

But still, they are not completely correct. Those statements are half-true as well as they are half-false. To fall in love, to be in love, is nothing but complete bliss. A love that one unwillingly gives to another without expecting anything in return is nothing less than Heaven itself. Yes, there will be sacrifices, changes in priorities, and other things that we don't normally do or experience. These do not come, however, without this invaluable self-realization that makes them bearable: contentment in life comes not from our achievements and accomplishements, rather, on the feeling of loving and being loved.
Matagal-tagal na rin yung huling post ko dito, kaya ayan, kailangang pilitin magsulat ng bago para hindi naman masabi ni pareng friendster na napabayaan ko na sya. At dahil malabnaw ang utak ko ngayon, hindi muna ako mag pure English o pure Tagalog. Tag-lish naman... O Engalog... Kayo na bahala kung ano gusto nyo itawag.

Ano ba magandang topic ngayon? Hmmmm... Alam ko na! Napansin ko kasi na sa dinami-dami ng posts ko dito, ni isa wala pa akong post regarding sa politics at Philippine history. Few people know na mahilig akong makipagdebate at makipagkwentuhan tungkol sa mga topics na yan. These past few days kasi... este months... ay years na yata... nawawalan ako ng gana mag-update kasi hindi ko na nakakausap yung mga usual kaututang dila ko sa mga topics na yan (pareng victor at randy, nasan na kayo???).

Anyhow, ano nga ba masasabi ko sa kakarampot na kaalaman ko ngayon sa current events? Nanjan ang Cha-cha, political scandals, ang usual na balimbingan, reklamo dun, reklamo dito. So isa-isa lang muna...

TOPIC 1: Cha-Cha
Gusto ko lang ipahayag ang aking suporta sa balaking pag amyenda sa ating kasalukuyang Constitution. Unang-una, sabi nga ng aming guro sa Law noong nasa College pa ako, ang 1987 Constitution natin ay maituturing na isang "provisional" constitution lamang para sa isang "provisional" government noon na tinatag kapalit ng pamahalaang Marcos. Kung papansining mabuti, ang mga provisions ng 1987 Constitution ay direktang reaksyon sa karanasan ng bansa natin nung panahon ng Martial Law. In other words, masyadong nalimitahan ang scope at objectives ng ating kasalukuyang Constitution sa paniniguradong hindi na maulit ang nangyari noong Martial Law. Isa pa, masyado itong mahaba para sa isang Constitution na dapat ay naglalaman lamang ng core principles ng mga mamamayan ng isang bansa.

Isa sa mga nais kong palitan kasabay ng pag-amyenda sa Constitution ay ang sistema ng ating pamahalaan. Sa aking palagay ay mas nararapat ang Federal na anyo ng pamahalaan para sa ating culturally and geographically-diversed na bansa. Bukod sa malilipat ang kapangyarihan sa kanya-kanyang states imbes na sa isang central government, magagamit pa nating mga Pilipino ang ating natural na pagkaregionalistic para sa ating kaunlaran.

TOPIC 2: Political scandals
Ok, simulan natin sa ZTE Scandal... Saan, at ano nga ba ang mga mali dito? Unang-una, kailangan munang maging malinaw kung anu-ano ang mga paraan na meron ang ating gobyerno sa paghahanap ng mag-iinvest para sa mga projects nito.

Una, meron tayong RA 9184 o Government Procurement Act. Dito, dadaan sa mahigpit na bidding ang mga kumpanyang gustong mag-supply sa proyekto ng isang government body/department/establishment.

Ikalawa, ang Build-Operate-Transfer Law (RA 7718) kung saan ang isang private company ang magtatayo ng public infrastructure, tapos hahayaang sila ang mag-operate nun for a period of time para mabawi nila ang kanilang investment at kumita ng kaunti. Pagkatapos ng period of time na yun ay ita-transfer sa government ang ownership ng public infrastructure. Kaya lang, hindi ako sigurado kung pano pinipili yung private company na mag-iisponsor sa isang B-O-T project. Kung hindi ako nagkakamali, bidding pa rin yata yun.

Ikatlo, meron namang yung tinatawag na government-to-government negotiation. Dito, ang gobyerno natin ay makikipag-usap sa gobyerno ng ibang bansa tungkol sa isang project. Dahil ang magfifinance ng project na ito ay yung foreign government, natural lang na sila ang pumili ng contractor na mag-iimplement nung project.

Ang National Broadband Network Project natin na ipinagkaloob sa ZTE Company ay nabibilang sa ikatlong pamamaraan ng pag-iimplement ng isang public project. So ibig sabihin, NORMAL lang na walang bidding na mangyari. At dahil ito ay government to government negotiation, kung saan ang isang Chinese state-owned bank ang magpoprovide ng loan para sa project, ang Chinese government din ang namili ng contractor para dito. At dahil hindi naman ako maalam sa tamang costing ng mga presyo na nakalagay sa NBN project, mas maganda siguro kung pumunta na lang kayo sa website na to -->  http://www.yugatech.com/blog/telecoms/nbn-zte-project-a-closer-look/

TOPIC 3: Pulitika, at ang reaksyon ng mga Pinoy ukol dito

Para sa akin, mayroong tatlong uri ng Pilipino pag dating sa mga issue sa pulitika. Una ay yung mga welgista na makikita mo halos araw-araw nagmamartsa at nagwewelga, nagrereklamo at nagagalit. Tanungin mo kung ano maisa-suggest nilang solusyon, ang sasabihin nila e "Paalisin si Arroyo!". Pangalawa naman ay yung mga walang pakialam sa mundo. Alam nilang may issue, alam nilang may nangyayari, pero wala silang pakialam. Yung tipong "wala naman akong magagawa, bakit ko pa aalamin kung ano ang nangyayari?". Lastly, ang ikatlong grupo ay yung mga nakakarinig ng balita, inaalam kung ano ang nangyari, saan nagkamali, at ano ang maaaring gawin sa mga pagkakamaling ito. Nakakalungkot na iilan lamang ang nabibilang sa ikatlong grupo.

Hindi naman kasi dapat huminto tayo sa nalaman nating may mali. Kailangan meron tayong realization kung saan at bakit nangyari yung pagkakamali. tapos may action plan kung pano ito maiiwasan. Ang hirap sa atin, it's either hindi natin alam kung ano ang nangyayari, or hindi natin alam kung pano sosolusyonan ng maayos ang isang pagkakamali. Kaya nga paulit-ulit na lang ang nangyayari sa atin. Sabi nga sa Pugad Baboy, ang mga Pilipino laging may amnesia. Mabilis makalimot. O kung alam naman natin yung issue, hindi naman tayo nag-iisip ng tamang paraan para masolusyonan ito. Lagi na lang nating sagot e patalsikin ang nakaupo... People Power complex. Nasayang tuloy yung diwa at sincerity nung unang People Power natin.

So ano nga ba ang dapat nating gawin? Simple lang naman... Kung nagagalit tayo sa mga nakaupong opisyal, e in the first place pano ba sila nakarating sa pwesto nila??? Naging maingat at maalam ba tayo nung namimili tayo ng iboboto natin? Naging mapagmatyag ba tayo nung eleksyon para siguraduhing walang dayaan? O inisip na lang natin na, "pag hindi naman namin nagustuhan yan, ipi-People Power lang yan para mapalayas"?

In closing, nais kong ihighlight ang mensahe ni Renato Constantino sa kanyang "Miseducation of the Filipinos" (mejo off ung topic ng essay na to pero yung title lang naman ang gusto kong ihighlight. hehehe). Pinagmamalaki natin na mataas ang literacy rate natin, na magaling tayong mag-English, marami sa atin ang nakakapagtapos ng College. Ibig sabihin, hindi tayo "uneducated". Kaso lang, hindi natin alam, "miseducated" pala tayo. Matatalino tayo. Magagaling tayo. Itama natin ang ating mga pag-iisip. Tayo lang ang makakatulong sa ating mga sarili.
Ang tagumpay ay hindi ang kawalan ng kabiguan. Bagkus, ito ay ang ating pagharap at pagkatuto sa mga kapalpakang dumarating sa ating buhay. Hindi masama ang mabigo. Ngunit ang palagpasin ang isang hindi magandang karanasan ng wala kang natututunan - yan ang kasalanan.
Pretending that you are strong when you really aren't is the worst form of weakness. Accepting your weakness despite your composure is the best indicator of strength.

Most of the time, people are afraid of what other people will think of them. They decide that the best way to interact is to live in a mask of smiles and airiness. During this time, they believe that they are in control, only to realize later that their fear is really the ones controlling them.

To reveal one's true feelings and be ready to accept the feedback, whether good or bad, of the people around him is the true measure of strength. But it doesn't end there. Equally important is the ability to sift through the ashes of criticisms and the glitters of praises for that real, authentic lesson that one must learn in relation to what he projects.

Everybody needs someone to support them in times of crisis. Some people needs few, others need a lot. But it doesn't really matter how many. What is important is to have the humility to accept that you cannot handle everything alone - that you are the only one who understands yourself.

In the end, I believe that it is better to look back on your experiences and say that "someone has been there for me when that happened" instead of realizing that "many thing happened to me and I managed to survive all of them - alone".

You say if you could fly, you'd never come back down
You only have eyes for that blue, blue sky



You've yet to learn what sadness is
And are just now grasping what pain is like
Even the feelings I have for you
must be expressed with words.



As you awake from a dream into an unknown world,
Spread your wings, and take flight!



You say if you could fly, you'd never come back down
You only have eyes for that blue, blue sky



You know if you can just make it through,
you'll find what you seek
So keep trying to break free,
to that blue, blue sky!

Exciting day...



* Mami Sielle's birthday
* Celebration @ Shakey's Valero
* Watched Iron Man
* Met friends I haven't seen in a while:
   - Jephrey (elementary friend)
   - Andrew (college friend)
   - Aprille (sgv friend - looking prettier than ever)
   - Mickey (high school friend)

Napapansin mo na kaya?
Nadarama ang pagsinta?
Nawawari ang paghanga?
Napupuna ang pagtulala?

Ikaw ang aking salamisim
Ang liwanag sa gitna ng dilim
Pakinggan ang pusong naninimdim
Binubulong ang aking lihim

Sa paglipas ng panahon,
Ang paghanga'y bumabalon
Unti-unting nababaon
Pilit na bumabangon

Dahan-dahan, unti-unti
Nahuhulog sa iyong mga ngiti
Minamasdan taglay mong yumi
Ako'y tuluyan mong nabighani

Sapat na ba na may pagtingin
Upang ako ay iyong mahalin?
Kailan mo kaya diringgin
Sigaw nitong damdamin?

Infinite Fate
02-10-08
10:47pm
Heto Na


by Concrete Sam (original by APO)




O heto na naman ang pusong ito
Handang-handa muling umibig
Diba't kelan lamang ika'y nagpasiya
Na di ka pabibihag muli
Kakapahid pa lang ng luha
Ba't siya ay nalimutan mo na

Akala ko'y hindi na magigising
Muli ito'ng aking damdamin
Ngunit mula nang makilala kita
Ang buhay ko'y biglang sumigla
Kalungkutan ko ay nawala

[Refrain]
O heto na naman ang puso kong nagpapadala
Hindi na natutong magingat dahil bahala na
O kay bilis kong malimutan muli
Ang sawi na aking nadama

[Chorus]
Heto na, o heto na naman ang pusong ito
Heto na, handang-handa muling umibig sa 'yo
Heto na, o heto na naman ang pusong ito
Heto na

Akala ko'y hindi na magigising
Muli ito'ng aking damdamin
Ngunit mula nang makilala kita
Ang buhay ko'y biglang sumigla
Kalungkutan ko ay nawala

(Repeat Refrain)

(Repeat Chorus 2x)

O kay bilis kong malimutan muli
Ang sawi na aking nadama

(Repeat Chorus 2x)